Chapter 20

1.3K 45 6
                                    


Leign's POV










Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako pumapasok sa bahay ni Kyst. Gusto ko munang mapag-isa dito sa labas kahit ilang minuto lang para magpahangin. Napagod ako sa trabaho.










Nakatanaw lamang ako sa bahay na nasa harapan ko mula sa labas ng gate. Nakabukas pa ang mga ilaw, malamang hindi pa rin siya nakakatulog.










Hinihintay niya ba ako?










Isang linggo na ang nakalipas mula nang makauwi ako galing sa hospital. Nakikita ko ang pagbabago sa ugali ni Kyst. Parang bumalik siya dati na palangiti at magiliw sa'kin. Parang nakita ko ulit 'yong Kyst na minahal ko — 'yong Kyst 3 years ago. 'Yong maasikaso at maalaga sa'kin. At mahal na mahal ako.










Mula nang ma-discharged ako, siya ang nagsilbing personal doctor ko. Todo ang pag-aalaga niya sa'kin na para akong babaeng bagong panganak. Mula umaga hanggang gabi binigay niya ang kalinga at malasakit sa'kin.









Sobrang na-appreciate ko lahat ng ginawa niya at sobrang nagpapasalamat ako. Nagpapasalamat ako dahil naramdaman ko ulit ang pagmamahal niya. Sobrang nanabik ang puso ko sa atensiyon niya kaya tinanaw kong malaking bagay ang pagbibigay niya ng oras sa'kin.










Buong akala ko bumalik na siya. Akala ko siya na 'yong dati. Akala ko nagbalik na 'yong Kyst na mahal ako pero nagkamali ako.










Nalaman kong nakikipagkita siya kay Kelly at minsan nakikita kong magka-usap sila. And since then I ended up misery. I realized, ako pala ang siyang nananakit sa sarili ko dahil masiyado akong umaasa. Umasa akong tuluyan na niyang iniwan ang babaeng 'yon para sa'kin. Na ako ang pinili niya. Umasa akong tuluyan na siyang nagbago. Ngunit mali pala ako.










Akala ko lang pala lahat.










Nakakaramdam na ako ng lamig kaya naisipan ko nang pumasok sa loob. Bukas pa ang ilaw sa sala at pati na rin sa kusina.










"Where have you been?"










Napakagat ako sa ibabang labi ko. Biglang nanumbalik sa isip ko ang mga kasalanan niya. Sa t'wing nakikita ko siya naaalala ko ang mga pananakit niya sa'kin. Nagiging sariwa ulit ang sugat sa puso.










Hinarap ko siya. "Galing ako sa trabaho," Malamig kong sagot.










Ang kaninang salubong ang kilay ay bigla na lamang napalitan ng pagtataka. Ito ang unang beses na maging ganito ang tono ng pananalita ko sa kaniya.










"Leign, I called you so many times but you didn't respond even just a single one. Sana nagtext ka manlang kung gagabihin ka!" Mataas ang tono ng pananalita niya pero bakas ang pag-aalala.










Inis ko siyang tiningnan. "Nakauwi na ako, Kyst, ano pa ang hinihimutok mo diyan?"











He was shocked. "What?"










"Ginabi na ako ng uwi dahil sa trabaho ko at hindi sa panlalalaki ko!"











"That's not my point. Nag-alala lang ako dahil gabi na at nasa labas ka pa!" Katwiran niya.











Winter In AutumnWhere stories live. Discover now