Leign's POV
"Are you done?"
Nilingon ko ang nagsalita. Si Kyst. Kagagaling lang niya mag-jogging sa labas. Tumatagaktak pa ang pawis na lalong nagpatikas sa imahe niya.
"Magv-vacuum nalang tapos okay na," Nakangiting sagot ko.
Hindi na siya nagsalita pa. Bigla nalang niyang hinubad ang pang-itaas damit at ginamit 'yon para punasan ang katawan niya. Ginawa niya 'yon sa harapan ko kaya naman napatulala ako.
Pa'no naging ganyan ang katawan niya?
Hindi ako nagnanasa pero hindi ko talaga maiwasang mamangha sa katawan ni Kyst. Kahit na siguro lalaki mahuhumaling sa kaniya kapag nakita siyang ganito.
Para siyang alahas na kumikinang dahil sa pawis niya. Para siyang isang bagay na makintab at mamahalin. Mas naging makisig siya sa paningin ko. Kung katulad lang ako ng mga babae niya malamang naglaway na ako sa kinatatayuan ko.
Minahal ko na siya kahit bilbil lang ang mayroon siya n'on. Ngayon lang 'yan nagka-abs -
Aray!
Naramdaman kong may tumama sa mukha ko. Isang basang damit. Hindi naman masakit ang pagkakabato pero nagulat ako. Kinuha ko 'yon at takang tiningnan si Kyst.
"Bakit?" Inosenteng tanong ko.
Pinagtaasan niya ako ng kilay habang seryoso ang tingin sa'kin. "Pinagnanasaan mo ba ang katawan ko?"
Agad akong umiling. "H-hindi."
"Bakit kung makatingin ka diyan dinaig mo pa ang manyakis. "
"Hoy, hindi!" Nanlalaki pa ang mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin "A-ano lang . . . "
Wala akong maisip na isasagot sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-ngisi niya kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Ramdam ko tuloy namumula na ang pisngi ko ngayon.
"Make it faster. May bisita ako mamaya."
Bisita?
Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "S-sino?"
"Gusto mong sagutin ko 'yan?" Sarcastic na tanong pero hindi ako sumagot. "Taposin mo na lahat ng gagawin mo para makaalis kana."
"Bakit kailangan kong umalis?"
"Gusto mo bang makita ang gagawin namin?"
Mabilis akong umiling. "Hindi . . . S-sige, diyan kalang ikukuha kita ng maiinom, " Sabi ko at nagtungo sa kitchen.
Huminga ako ng malalim. Relax Leign, masanay kana sa kaniya. Ganito naman lagi araw-araw, diba? Walang nagbago. Magdadala siya ng babae at makikipaglampungan. Dapat hindi kana nasasaktan.
![](https://img.wattpad.com/cover/297311551-288-k511053.jpg)
YOU ARE READING
Winter In Autumn
RandomKyst Trevino, a fiance of Leign Cantabella for years but for some reason their relationship is getting worse and complicated. He rebelled through grabbing some other girls to make out with them. He was treating them like a piece of chewing gum, he n...