Chapter 37

762 29 4
                                    


Leign's POV







Simula n'ong umuwi ako sa Pilipinas, ngayon lang ako sumaya. Magaan ang pakiramdam ko, maligaya ang puso ko sa tanawing tinatanaw ko sa oras na ito. Matagal-tagal narin mula n'ong huling punta ko dito.







Sinadya ko ang lugar na 'to hindi dahil gusto kong alalahanin ang taong minahal ko noon, kundi dahil sa napakandang tanawin na nakapaligid dito. Malapit ito sa puso ko dahil hindi ako nito binigong pagaanin ang loob ko n'ong mga panahong miserable ang buhay ko.







Napatingin ako sa puno ng pangako.  Nandito parin ito at nanatiling nakatayo sa loob ng mahabang panahon. Hindi nagbago maliban lang sa mas ma-berde na ang mga dahon nito ngayon at mas yumabong pa.







Lumapit ako at tiningnan ang sulat na nakaukit sa katawan ng puno. Nakapagtataka, bakit hindi manlang nabura ang sulat dito kahit walong taon na ang nagdaan? Wala paring pinagbago, parang bago lang ang pagkakaukit — hindi, sadyang may umuukit nito para mag-mistulang bago.








Sino naman kaya?






"L-leign?"







Natigilan ako. Ang boses na 'yon ...







Malakas ang kabog ng dibdib ko matapos kong marinig ang boses na iyon. Gusto kong isipin na guni-guni ko lang, pero ang puso ko ang nagsasabi ng totoo. Kahit walong taon ko nang hindi naririnig ang boses na 'yon, kilala ko parin kung sino ang nagmamay-ari n'on. Hindi ako nagkakamali, nandito siya.







Unti-unti akong humarap sa kaniya. Laking gulat ko nang makita ko siya sa harapan ko. Narito ang lalaking naging bahagi ng nakaraan ko, ang lalaking una kong minahal.







Siya nga, kaharap ko siya.







"K-kyst."







Hindi ako makapagsalita. Masiyado akong nagulat. Masiyadong biglaan ang lahat, hindi ko akalaing makikita ko siya ngayon. A-anong ginagawa niya dito? At sa lahat ng tao, bakit siya pa?






Kita ko ang gulat sa mukha niya. Unti-unti siyang lumapit sakin. Ang mga mata niya, puno ng kalungkutan, sinasabi kung gaano siya nangungulila.







"L-leign, ikaw nga."







Kita ko ang pamamasa ng mga mata niya nang tuluyan na siyang makalapit sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at saka tiningnan ang kabuoan ko para siguradohing totoong ako ang nasa harapan niya.







"God! It's you." Bigla niya akong niyakap. "I m-miss you, Leign. Salamat, bumalik kana."







"Kyst." napayakap na din ako.







Nagtagal ang sandaling 'yon para samin hanggang sa kumalma na ang lahat. Pareho kaming nakaupo ngayon habang nakaharap sa dagat. Malapit nang magtakip-silim kaya lumulubog na ang araw.






 Malapit nang magtakip-silim kaya lumulubog na ang araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Winter In AutumnWhere stories live. Discover now