Leign's POV
"Kyst?" Tawag ko. Nasa kitchen siya umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo. Alam kong narinig niya ako pero pinili niyang hindi ako pansinin.
Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Huminga siya ng malalim at kita ko ang inis sa mukha niya.
Mukhang galit pa rin siya.
"Kyst, mag-usap tayo," Pagsusumamo kong sabi.
"Hindi ka ba pagod? Baka gusto mong magpahinga," Panunumbat niya.
Naiintindihan ko siya. Inaamin kong nasigawan ko siya kagabe pero hindi ko sinasadya 'yon. Sadyang pagod lang ako at maraming iniisip. Marami akong problema na hindi ko ma-solusyonan.
"Yong tungkol kagabe . . . I'm sorry. Sorry dahil sa'yo ko naibunton ang pagod kob. . ." Hinawakan ko ang kamay niya. "Maniwala ka, hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. Sadyang pagod lang ako, Kyst. Pangako sa susunod hindi ko na uulitin."
Binaba niya ang hawak na dyaryo bago ako tingnan. "Apology accepted."
Napangiti ako. "Salamat."
Bumalik ulit siya sa pagbabasa, samantalang ako nakatitig lamang sa kaniya. Kahit seryoso ang mukha niya ang gwapo pa rin tingnan. Ganyan 'yan lagi kapag may kaharap na babasahin.
Sabagay, noon pa man mahilig na talaga siyang magbasa. 'Yong kwarto nga namin andaming libro at kunti nalang magiging library na. Mahilig siyang mangolekta. Sabi ko nga sa kaniya dapat tinatapon na niya ang mga 'yon kapag tapos nang basahin kaso ayaw naman niyang sumunod.
"May sasabihin ka pa?" Tanong niya na hindi tumitingin sa'kin.
"H-ha?"
Nilingon niya ako. "Why are you still right here and keep watching me?"
"A-ah, ano . . ." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nahihirapan akong magsabi. Ang totoo nahihiya talaga ako baka kasi tanggihan na naman niya ako.
Tumaas ang isang kilay niya. "What?"
"Uhm, p-pwede ka bang yayain? Mag-date tayo."
Kumunot ang noo niya. "Anong okasyon?"
Nakalimutan niya?
"Hindi mo alam?" Paninigurado ko at halata ang lungkot sa boses ko.
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "No idea."
Nakalimutan niya nga.
Lagi nalang niyang nakakalimutan ang araw na 'to. Lahat nalang ng mga mahahalagang araw nakakalimutan niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o hindi.
YOU ARE READING
Winter In Autumn
SonstigesKyst Trevino is a fiancé of Leign Cantabella for a few years-happy years-but for some reason their relationship has been getting worse and complicated. Kyst Trevino's rebellion makes her broken beyond repair; he has been making out with different wo...
