Chapter 36

765 27 3
                                    

A/N: HAPPY 20k READS, AND 1k VOTES.!!🎉🎉 Thanks a million, my-aennas for supporting this story 😙 iluvyouu.







Leign's POV







5 years after.







Pinikit ko ang mata ko at lumanghap ng sariwang hangin. Hmm, namiss ko dito, iba parin talaga ang hangin dito sa Pilipinas kesa sa Hong Kong. Mas gusto ko dito dahil nakasanayan ko na.







"You ready?"







Nilingon ko si Calvin, ngumiti ako. Sabay na kaming umuwi dahil ayaw niyang umuwi ako na walang kasama. Palusot, ang sabihin niya ayaw niyang mawala ako, lalo pa ngayon na ...







"Hunny," nakangiting tawag ko sa kaniya.







Hinawakan niya ako sa bewang at hinalikan sa sintido. Ang sweet naman, sana lang hanggang diyan lang siya sa pahalik-halik niya.







He held my hand, smiles and whispers in my ears.  "Pakasal na tayo?"







Eh?







Napangiwi ako. "May jetlag ka pa ba? Kung ano-ano naiisip mo diyan."







"Seryoso ako. Engaged na tayo, bakit naman hindi?"







Tatlong buwan na kaming engaged, at mula n'on, kinukulit niya akong magpakasal na e kesho baka daw mauwi pa sa bato at mabaliwala ang lahat ng mga plano namin. Masiyado niyang minamadali ang lahat, praning talaga.







"Calvin, darating din tayo d'on, ang kailangan mo lang gawin maghintay! Nahintay mo nga ako ng ilang taon, ngayon pa kaya na engaged na tayo."







Napanguso siya. "Kung sa bagay." humigpit pa ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Tara na, andiyan na service natin, hunny." *kindat







Pinauna niya akong sumakay sa kotse at saka siya sumunod.







"Sa rest house na tayo dumiretso. Antok na antok na ako." yumakap siya sa bewang ko at saka ako ninakawan ng halik.







"D'on na tayo sa bahay ko, mas komportable 'don. At isa pa, hindi pa natin nabisita 'yon e."







Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Kung sa bagay, hindi pa natin nakita 'yon mula n'ong ipagawa mo." hinalikan niya ako ulit. "tara na."












Habang nasa biyahe kami, nakatulog sa balikat ko si Calvin. Siguro, napagod sa biyahe, wala pa siyang tulog mula n'ong nandoon kami sa Hong Kong. Hinayaan ko lang siyang magpahinga, kawawa naman.







Eight years na ako sa Hong Kong, but we've been together for seven years. 1 year na hindi kami nagkita, 2 years na nagligawan, almost 5 years na mag boyfriend and girlfriend, at ngayon engaged na for months.







N'ong una akala ko nagkataon lang na nagkita kami sa Hong Kong, 'yon pala sinadya niyang sundan ako d'on. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon, o kung ano ang dahilan niya. Sino ba naman ako, hindi ba? Dating waitress lang niya ako sa resto niya.







N'ong araw na inamin niya sakin ang tunay na nararamdaman niya, hindi ako natuwa o nakaramdam ng excitement. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya — mabait siyang tao, maraming may gusto sa kaniya. Pero masiyadong madali ang pangyayari, at higit sa lahat sariwa pa sakin ang nangyari samin ni Kyst. N'ong panahong 'yon, hindi pa ako makamove-on sa nangyari — at sa kaniya.







Winter In AutumnWhere stories live. Discover now