Sa mundong nakakapagod,
Ikaw ang aking pahinga.
Sa paligid na sobrang gulo,
Ikaw lamang ang aking nakikita.Sa mga taong mapanghusga,
Ikaw lang ang aking sandalan.
Sa lugar na walang patutunguhan,
Ikaw ang aking takbuhan.
Sa aking pagtakas sa realidad,
Ikaw ang nais kong mahagkan.Ikaw ang dahilan ng aking pag ngiti at pagtawa.
Ikaw ang motibasyon sa paggising sa umaga,
Sa pag-aaral, gawaing bahay at pagkanta.
Ikaw ang tanging dahilan na siyang nakakahanga.Ngunit alam kong hindi ako ang 'yong nakikita.
Hindi ako ang iyong pag asa.
Hindi ako ang dahilan ng 'yong pagtawa.
At mas lalong hindi ako ang nais mong maging pahinga.Ako'y isa lamang bahay panuluyan,
Isang pansamantala.
At siya ang tunay mong tahanan,
Ang iyong pahinga.