Hindi Na Sana

40 0 0
                                    

Hindi na sana nagsayang pa ng oras at panahon,
Hindi nalang sana ika'y binigyan ng atensyon.
Ngayo'y nagsisisi na sa mga naging desisyon ng kahapon,
Tila sa pagkakahulog sayo'y di na muling makakaahon.

Hindi na sana nagpumilit pa,
Bakit pa nga ba ipipilit ang labang sa una pa lamang ay tapos na,
Dahil mayroon ng panalo at alam nating dalawa
Na siya yon at hindi ako, tama ba?

Ano pa nga bang magagawa,
Kung sayo'y may iba nang nagpapangiti't nagpapatawa,
Ako'y pipikit na lamang at hindi na muling tititig pa,
Sa mga matang kailanma'y hindi naman ako ang nakita.

Mga tulang isinulat sa iyo,
Hindi na muling gagawin at ito'y ihihinto.
Tatanawin ka na lamang muli mula sa malayo.
Pupunasan na mga luhang tumulo.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon