Kuya

1 0 0
                                    

Magkapatid tayo, hindi ba?
Mahal mo ako, tama?
Ngunit bakit ngayon ika'y tila nag iba na?
Dahil ba may bago o ayaw mo nalang talaga?

Ipinangakong ako'y iyong di iiwan,
Sinabi mong ako'y di mo sasaktan.
Ngunit ganon nga siguro talaga ang mga kalalakihan,
Hanggang salita lamang.

Nangakong di magbabago't mananatili,
Nangakong dito lamang kayo lagi sa aking tabi.
Ngunit nasaan na ang mga salitang namutawi sa inyong mga labi?
Bakit ngayo'y ka'y lamig na ng aking gabi?

Akala ko'y ayos lamang ang lahat at walang problema,
Ngunit ito'y akala ko lang pala.
Kutob ko'y palagi ngang tama,
Naninibugho ka sa akin, kuya.

Nakakapagod ipagtanggol ang tama,
Lalo't kung ang mga isip ay nakasara.
Mananahimik na lamang at lalayo,
Para sa ikasasaya ninyo.

Ako'y lubos na nasaktan,
Ngunit ni isang patak ng luha'y di naging basehan
Ng kalungkutang aking kasalukuyang nararamdaman
Basta't alam kong di ako ang nagkamali't nagkulang.






hugs to those poeple who felt betrayed and used, we can overcome this!<3

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon