Kumusta ka na aking kaibigan?
Naaalala mo pa ba ang ating mga kwentuhan?
Mga tawanang tayo lang ang nakakaalam,
Puwes ako ay nakaukit pa rin sa aking isipan.Pati na rin ang mga emosyong aking naramdaman,
Nang bigla mo akong payungan
Sabay hatak sa akin pagilid sa daan.
Naaalala mo pa ba, kaibigan?
Ito ang araw kung kailan ako nahulog sa iyo ng hindi inaasahan.Dahil ako ay tandang tanda ko pa,
Pati ang mga oras na hawak kita.
Mga oras na magkatapat tayo sa Mcdo habang kumakaing dalawa.Malamang hindi mo na naaalala,
Dahil lahat ng ito ay wlaa lang sa iyo, hindi ba?
Isa lamang akong kaibigan mo.
Isang taong kasama mo,
Sa lahat ng pinagdadaanan mo.Ngunit gusto ko lang na malaman mo,
Na may lihim akong pagtingin sa iyo.At kahit na alam kong walang pag-asa,
Sinulat ko pa rin itong tula
Na puno ng pag-amin ng nadarama.Aking kaibigan, ako'y aamin na...
Gusto kita.ps. pinagsulat na naman ako ni Thalia para sa pt niya HAHAHA sharawawt sayo Thalia, isang Ken Suson lang oh..HAHAHAHAHA emz