Nakatingin sa labas ng salamin,
Habang ikinekwento ang istorya natin.
Sa kasamang kaibigan na handang makinig,
At nakasaksi ng lahat ng kilig.Ibinabahagi bawat masasayang sandali,
Kung paanong sa mundo ko at bigla kang nasali.
Inaaala bawat dahilan ng pag ngiti,
Ngayo'y ang tanging hilig na lamang ay ito'y manatili sa aking mga labi.Ngunit kung gaano mo ako napasaya,
Ay ganoon ring lungkot at kawalan ng pag-asa.
Ikaw lamang ang nagparamdam sa akin ng ganito, sinta
Kung kaya't pakakawalan na ang mga ala-ala nating dalawa.