Kailan titigil humanap ng mali sa kapwa?
Kailan ititigil ang panghuhusga?
Kailan mananahimik at hindi magsasalita?
Maghihintay nga ba o tatanggapin na lamang na ito'y hindi na mangyayari pa?Magbabago nga ba ang ihip ng hangin at pag ikot ng mundo?
Kung kayo'y magbabago?
O mananatiling marumi,
Hanggang sa maging abo?