Napapagod na naman ako,
Wala na bang bago?
Paulit-it na lamang na umiikot ang mundo,
Ngunit yung akin tila parang nakahinto.Ni hindi ko nga mawari,
Kung paanong nakakatulog pa sa gabi.
At gigising sa umaga,
Na tila walang nangyaring paghikbi.Ni hindi ko rin alam kung bakit ako'y nagigising pa,
Lagi na lamang bukambibig ay "pagod na ako, ayoko na".
Ang tanging hiling ko na lamang ngayon ay ang magpahinga.
Ama, ayoko na.Tapusin na ang paghihirap at pighati,
Dahil di na kakayanin kung ako'y magiging mahina pang muli.
May pupunas pa nga ba sa aking mga luha,
Kung lahat ng aking nasa paligid ay abala na?May yayakap pa nga ba,
Tuwing ako'y nakakaramdam ng pag-iisa?
Ama, alam kong di mo ako iniwan at lagi kitang kasama,
Gusto ko na lamang sa iyong piling kung kaya't ako'y iyong sunduin na.