Pinipigilan ang pagpatak ng mga luha,
Upang hindi masabihang ako'y mahina.
Makikinig na lamang ng musika
Na parang walang narinig na masasakit na mga salita.Ang hirap pala kapag masyadong malambot ka,
Aabusuhin ka nila.
Nakakapagod na,
Maaari bang magpahinga muna?Kailan nga ba ako makakarelate sa kanta ng SB19 na Mapa?
Kung ang mismong aking magulang ay hindi alam ang tama?
Kailan nga rin ba ako magkakaroon ng totoong pahinga,
Sa mundong nakakapagod at puno ng mga matang mapanghusga at mga bibig na masakit magsalita?Ipipikit na lamang ang mga mata,
Mananalangit na sana..
Sa pagmulat ng mga mata,
Ako'y tunay nang malaya.