Para sa mga matagal nang gustong bumitaw,
Suko na.
Para sa mga napapagod na,
Oras na para magpahinga.
Para sa mga nauubos na,
Tama na.Husto na ang pagtitiis at pag-unawa.
Pwede ka nang lumaya.
Oras na para piliin mo naman ang sarili mo.
Mahalin, buoing muli, at punan ang mga naging pagkukulang niya sa iyo.Tama na sa pananatili sa isang lugar na di ka na masaya.
Tama na sa mga di pagkakaunawaang di na maaayos pa.
Piliin, panindigan, at ipaglaban mo ang sarili mo, Na hindi niya ginawa.