Bakit

83 1 0
                                    

Ako'y nagsusulat na naman ng tula.
Nag-aalay na naman ng mga salita,
Sa lalaking alam kong ako'y walang pag-asa.

Nagsusulat na naman ng tula.
Bakit nga ba
Nagsasayang na naman ng mga papel at tinta?
Sa isang ginoo na hindi naman ako ang sinisinta?

Bumubuo na naman ng mga paksa,
Na hindi rin naman niya mababasa.
Dahil hindi naman niya alam na gusto ko siya.

Bakit pa muling iibig kung alam ko na agad ang kahihitnatan?
Bakit pa susulat ng tula kung alam ko namang wala akong pag-aalayan?
Bakit pa hihiling sa mga tala kung alam ko namang hindi kami ang magkakatuluyan?
Bakit pa magkakagustong muli kung masasaktan lang rin naman?

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon