Kristo

253 5 0
                                    

Mayroon na naman akong napupusuan,
Isa sa mga lalaking aking pinaka hinahangaan.

Isang katoliko,
Isang lalaking maginoo.
Ang ngalan niya'y hango sa ngalan ni Kristo.

Isang Pilipino,
Mabait at may mga matang maaamo.
Mayroon siyang boses na napaka ganda,
Mga ngiting nakakahalina.
Ugaling nakakahanga.

At higit sa lahat ay ang pagkamalapit niya sa Poong may likha.
Hindi ko nga alam kung ako lang ba,
Ang nakakakita ng mga kabutihang kanyang ginagawa.

Mayroon siyang katangiang gaya ng lalaking aking hinahangaan sa libro,
Ang ngalan niya'y Juanito Alfonso.
Mabait, Malapit sa Diyos at isa ring maginoo.

Ngunit kagaya ni Juanito at Carmela,
Kami ri'y pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.
Tamang tao ngunit maling panahon.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon