Pagmamahal

9 0 0
                                    

Ano nga bang pakiramdam ng may nagmamahal sayo ng totoo?
Yung tipong di ka magiisip na baka siya'y nagloloko.
Yung tipong alam mong ikaw lang ang nakikita at kailanma'y di ka ipagpapalit kahit kanino,
Ano kayang pakiramdam ng mahalin mo?

Hanggang kailan mag-iisa sa mundong napakadaya?
Hanggang kailan magsasabi ng "sana all" tuwing kinikilig sila?
Hanggang kailan aasa na mayroong para sa akin?
Basta't maghintay lamang at siya'y darating din.

Kailan ka nga ba makikilala?
O kung nasa paligid ka nga lang ba?
Pwede bang ikaw nalang siya?
Para hindi na muling kumilala pa?

Maaari bang ikaw nalang ang para sa akin?
Maaari bang ikaw nalang ang maglalagay ng singsing
Sa aking daliri at kailanma'y nanaising
Ako'y alagaan at mahalin?

Ano nga bang pakiramdam ng may nagmamahal sayo ng totoo?
Yung tipong kaya mong iharap sa altar at sasabihing "siya ang pakakasalan ko"?
Anong pakiramdam ng may sinasabihan ng "i love you"?
Mararanasan ko pa ba ito?

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon