Kailan kaya matatanggap ng lipunan,
Na ang kapwa'y di dapat hinuhusgahan?
Diba't turo nga ng simbahan,
Na tayo'y magmahalan?Kailan magiging tunay na malaya,
Sa mga matang mapanghusga?
Kailan tunay na magiging masaya,
Ng hindi naiingit ang iba?Ako'y nagagalit na naman,
Pagkat ang mga mabubuting tao'y naaapi ng walang kalaban laban.
Hindi nila dapat ito nararanasan,
Sila'y nagmamahal at naglilingkod lamang.Kailan gigising ang mga taong walang ibang ginawa kundi kumuda?
Kailan imumulat ang mga matang palaging mali ang nakikita?
Kailan tatahimik ang mundong puno ng mapanghusga,
Kailan nga ba?