Ano nga ba ang pag-ibig?
Para sa iba ito ay isang bagay na nakakapagpakilig.
Sa iba nama'y isang bagay na nakakasabik.
Ngunit para sa akin, ang pag-ibig ay isang salitang hindi lamang ibinibigkas ng bibig.May pag-ibig na masaya, malungkot at malaya, marami pang iba.
May pag-ibig na nakakasabik at pag ibig na nakakasawa.Ni hindi ko nga alam kung bakit ba maraming tao ang nagkakamaling magpasya,
Ng taong mamahalin at habang buhay na makakasama.Ang pag-ibig ay hindi ka dapat nahihirapan, nasasaktan o uuwing luhaan.
Bagkus ito dapat ang dahilan ng 'yong pagbango sa umaga't lumaban.