Ika'y tila isang buwan,
Kay hirap tingalain at tignan.
Kay hirap mahawakan at lapitan,
Ngunit isang bagay na labis kong hinahangaan.Isang bagay na sobrang sarap pagmasdan.
Isang bagay na alam kong laging nandyan,
Na maaari kong tignan sa tuwing dumadalaw ang kalungkutan.
Isang bagay na kay sarap pahalagahan.Ngunit katulad din ng buwan,
Kay hirap mo ring hanapin at ipaglaban.
Kay hirap mong ipagmalaki dahil hindi lahat nakakakita ng iyong halaga't kagandahan.
Kay hirap mong mahalin pagkat alam kong walang katugon aking nararamdaman.Ako nga ba'y katulad ng mga bituin,
Na nakapalibot lamang sayo't nagniningning?
O isang araw
Na minsan lamang pagtagpuin at tila ang tadhana'y di sang-ayon sa atin?Hindi nga ba talaga pwede maging tayo?
Nabuhay nga lamang ba tayong magkaiba't magkalayo?
O sadyang mapanghusga lamang ang mundo,
Pagkat ang kanilang mga mata'y nasarado.ps. tungkol to kay Mr. President pero sabi ng AV members ko mas tugma daw sa SB19🥺 */umiyak