Napaka gulo na naman ng mundo,
Napaka ingay na naman ng paligid.
Mapanghusga na naman ang mga tao,
Hindi ko na alam paano pa ngingiting muli.Hindi ko na alam saan ako tatakbo,
Sa daang hindi ko alam kung saan papunta.
Hindi ko na alam kung sino ang pakikinggan ko,
Sa mga taong andaming pinupuna.Pero isa lang ang alam kong sigurado,
Yun ay ikaw.
Ikaw na palaging sandalan
Ikaw na palaging dahilan ng kasiyahan.Ikaw lang ang palagi kong kailangan,
Dahil di tulad nila, hindi mo ako iniwan.
Ngunit kahit alam kong nandyan ka lang,
Napaka layo mo naman para mahagkan.