Uto-Uto

40 0 0
                                    

Heto na naman ako,
Nagpapadala sa mga sinasabi mo.
Kinikilig na naman ako,
Pasensiya na madali lang pasayahin ang kagaya ko.

Ang 'yong mga kilos ay tila hindi pang-kaibigan na naman,
Laging nangangamusta't tinatanong kung ako ba'y ayos lang at kung nasaan.
Lagi mo na naman akong hinahanap,
Tila di mo kayang sa loob ng isang araw ay di mo ako makausap.

Nag-aalala ka na naman ulit sa akin,
Sa tuwing tayo'y maguuwian at di sasabihin sayong ako'y nakauwi na rin.
Lagi ka na ring nakikinig muli,
Sa aking mga kwento kahit malalim na ang gabi.

Heto na naman ako,
Nag-iisip ng ibang kahulugan ng mga kinikilos mo.
Umaasang baka sa pagkakataong ito,
May pag-asa na tayo.

Heto na naman tayo,
Kumikilos na parang mag-nobyo.
Ngunit hindi nga ba talaga pwedeng magkatotoo..
Ang ikaw at ako?

Heto na naman ang mundo,
Pilit nilalapit ako sayo.
Paanong lalayo ang pusong..
Gusto rin na makasama mo?

Ayan na naman ang boses mong..
Napakalalim, tila nalulunod ako.
Maaari mo ba akong ihaon
Sa pagkakahulog sa iyo?

Hawak ko na naman ang mga kamay mong
Hindi nanaising bitawan.
Gusto ko itong ipagdamot,
Upang iba'y di na ito mahawakan.

At ayan na naman ang mga mata mong tila ako lamang ang nakikita,
Mga labi mong paborito ko tuwing binibigkas mo ang ngalan ko, sinta.
Ngunit ayan na naman ang puso mong
Kailanma'y di ako sininta.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon