Sa tuwing sinasabi sa sarili na hindi ako iiyak,
Laging traydor ang mga luha sa pagpatak.
Hindi nga ba talaga pwedeng maging tayo?
O ayaw mo lang magseryoso.Pinaasa sa mabubulaklak na salita,
Sa mga ngiti at gawa,
Hindi ko alam na yun rin pala
Ang magiging dahilan ng pagluha.Sinabi kong hindi na kita iiyakan,
Ni dasalan at itatak sa isipan.
Ngunit sadyang makulit ang pusong di mo minahal kailanman,
Kaya't ako ay nasaktan na naman.Sinabi mong ako ay iyong palalayain na,
Palalayain na sa iyo dahil hindi mo ako kayang mapasaya.
Totoo pa nga ba ang iyong mga sinasabi sinta?
O ginagawa mo na lamang ito para ikaw ang magmukang tama sa ating dalawa.Balang araw ay makakalimutan rin kita,
Magmamahal at magiging masaya sa iba.
Ngunit habangbuhay kong dadalhin ang lahat ng aral sa kwento nating dalawa,
Ang pagsusulat ng tula na ikaw ang paksa ay ititigil na.