Naakit sa mga mata mong nakakatunaw,
Nabihag sa boses mong malalim.
Imahe mong alam kong hanggang tanaw lang,
Dahil alam kong 'kaibigan' ang turing mo sa akin.Hindi ko alam kung paano aahon,
noong nahulog sa iyo.
Namalayan ko na lamang ito,
Noong kinekwestyon ko na ang sarili ko kung kaibigan lang ba talaga ako?Ang sagot mo ay oo.
Masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigang kagaya mo.
Ngunit hindi ba talaga pwedeng ipilit?
Kung oo pa rin ang sagot, ako nalang ay pipikit.Singkit, maganda boses at moreno.
Mga katangiang una kong nagustuhan sayo.
Ako kaya kailan mo magugustuhan,
Gwinam ko?Sinubukan kong lumayo.
Sinubukan ding ang damdamin ay kalimutan.
Sinubukan kong baliwalain ang nararamdaman dahil nga kaibigan mo ako.
Pero anong magagawa kung ikaw talaga ang aking gusto?Kung hindi talaga ako,
Kung hindi ako ang binibining nagpapatibok nang mabilis sa puso mo.
Ayos lang ako,
Balang araw matuturuan din ang puso na maghanap ng bago.07-22-2022(di ko pala napublish😅)