Kapatid

84 1 0
                                    


Pinadama mo sa akin kung paano maging masaya,
Pinaranas mo kung paano magkaroon ng kapatid at di nag-iisa.
Pinakita mo sa aking ako ay mahalaga,
Niyayakap mo ako sa tuwing may luha sa aking mga mata.

Tayo'y palaging masaya,
At magkasama.
Nagtatawana't nag-aasaran,
Tampuhang laging nauuwi sa suyuan.

Lahat ng yon ay sayo ko lamang naranasan,
Hindi yon matutumbasan ng kahit ano pa man.
Di mapapalitan ni mapapantayan,
Sapagkat ikaw ang aking kapatid at kaibigan.

Hiling ko ay sana ika'y tunay na ring maging masaya,
Mga luha sa 'yong mga mata'y punasan na.
Sapagkat nandito lamang ako palagi't di mawawala,
Ang lahat ay lilipas rin kaya, kapatid ko, ngiti na.

Maghihintay na muling marinig ang 'yong mga tawa,
Makitang muli ang mga 'yong mga ngiti na halata ang saya.
Maghihintay na muli kang mayakap at makasama,
Ako'y mananatili kung saan mo iniwan, di ako mawawala:)

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon