Alas dose na naman,
Tila ngayon lamang huminahon aking isipan
Na hindi na ikaw ang laman.
Sa pag sapit ng umaga di na ikaw ang mahahagkan.Tapos na, tama?
Tapos na, malaya na.
Pro bakit di pa rin makatulog sa gabi?
Tila naghihintay, nagbabakasakali.Alam kong ako ang mali sa ating dalawa,
Ako sana'y patawarin at palayain na.
'Pagkat ang pagibig sayoy nanlamig nang bigla,
Nais kong malaman mong hindi ito sinasadya.Ika'y malaya na,
Maaari ka na ulit magmahal ng iba.
Nawa'y maging masaya ka,
Tanging hiling ay sana mahalin ka rin niya.Hindi na ikaw ang magiging paksa,
Sa mga talata ng aking tula.
Hindi na ikaw, sana'y hindi na rin ako,
Hanggang sa muli, ikaw ay malaya na, mahal ko.