Sinta

6 0 0
                                    

Pasensiya na,
Ika'y pinakawalan pa.
Pasensiya na,
Hindi pa ako handa.
Pasensiya na,
Hindi ko kayang sabihing mahal din kita
Pasensiya na,
Masyado pa kasi tayong bata.

Patawad dahil hindi na ikaw ang dahilan ng pagngiti.
Patawad dahil ayoko nang sumugal sayo muli.
Patawad, pagod na akong humikbi.
Patawad, dahil natuto na akong maging masaya nang wala ka sa aking tabi.

Salamat dahil pinaranas mo sa akin kung paano mahalin,
Ng isang taong walang kapalit na hiniling.
Salamat sa mga pinagsamahan natin,
Salamat ngunit ang ating paglalakbay ay hanggang dito nalang rin.

Paalam sapagkat tayo ay parehong lilisan na,
Sa naging tagpuan nating dalawa.
Paalam sa mga alaala,
Paalam, sinta.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon