Nakalimutan

0 0 0
                                    

Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng mahalin mo,
Nakalimutan ko na kung paano tumahan mula sa pagkakalumo,
Nakalimutan ko na kung paano huminahon kapag magulo ang mundo,
Nakalimutan ko na yung taong noon ay may pinakamalaking parte sa buhay ko.

Naakalimutan ko na kung paano ngumiti,
Ng walang halong galit,
Ang pusong sinaktan at iyong pinagpalit,
Sa malapit.

Nakalimutan na kung paano matulog nang mahimbing,
Sa gabing wala ka na
Sa tabi ko para yakapin,
Mag isa na muli tuwing gabi'y malamig.

Nakalimutan na kung paano huminahon,
Sa mundong iyong iniwan kaya't hindi na alam kung paano babangon,
Sa umagang wala ng babati,
At sa gabing wala ng hahalik sa aking pisngi.

Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng yakapin,
Dahil sa pinaranas mong sakit na kay hirap tanggapin.
Nakalimutan na kita.
Nakalimutan ko na.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon