Lalaki

98 0 0
                                    

Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko..bakit?
Bakit hinayaan kong mahulog ako sayo?
Bakit hinyaan ko ang sarili maging marupok sa isang kagaya mo?

Dati naman hindi ganito,
Isa ka lamang kaklase sa paningin ko.
Hindi ko inaasahan na sa paglipas ng panahon..
Ikaw pala ang magiging dahilan ng pagiyak ko.

Dati wala naman akong pake sayo,
Kung nandyan ka man o nasa malayo.
Pero ngayon sobrang sakit nung iniwan mo.

Alam kong hindi dapat ako umasa,
Pero kasalanan ko bang pinaramdam mo saking ako ay mahalaga?
Kasalanan ko bang sinanay mo akong nandyan ka?
Kasalanan ko bang minahal kita?

Saan ba ako nagkulang?
O nagkulang nga ba ako?
O sobra sobra pa sa dapat deserve mo?

Hindi ko alam na isa ka din pala sa mga lalaking magpapaiyak sa 'kin.
Isang lalaking hindi ko na ulit hihilinging mahalin.
Isa ka din pala sa mga lalaking susulatan ko ng tula..
Tulang magpapalaya sa akin.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon