Mag-isa

2 0 0
                                    

Nakakapagod ng may kasama,
Maaari bang ako muna'y mapag-isa?
Upang mag-isip at umalala,
Kung sino nga ba talaga ako ng hindi pinapakinggan ang sinasabi ng iba.

Nakakapagod ng may kasama,
Maingay, magulo, at nakakasawa.
Maari bang manahimik sandali at umunawa?
Ng mga bagay na di natin mapagkasunduang dalawa?

Nakakapagod ng may kasama,
Kailangan lagi mong alalayan,
Lagi kang nandyan kapag siya'y nag-iisa.
At iparamdam na siya ay naiintindihan.

Nakakapagod ng may kasama,
Ngunit mas nakakapagod palang mapag-isa.
Nakakapagod marinig ang mga salita
Sa aking isip na tila di naaawa.

Nakakapagod ng may kasama,
Ngunit ang pagod na ito'y kapalit naman ay saya.
Hiling sana'y di na muling mag-isa
Ako sana'y laging samahan, maaari ba?

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon