Hanggang kailan ka hahanapin ng mga matang
Kailanma'y di mo tinignan?
Hanggang kailan ka aalayan ng mga kantang
Kailanma'y di mo pinakinggan?Hanggang kailan ka mahahalin ng pusong
Kailanma'y di mo sinalo't pinagbuksan?
Ititigil na ba ang pagsulat sa ating kwentong
Ako lamang ang bida at kailanma'y di mo pinagbigyan?