Kumusta?
Matagal tagal na rin pala mula nung huli akong sumulat ng tula.
Narito na naman ako para gawin kang paksa,
Sabi ko dati hindi na eh, pero bahala na.Tama pala ang aking kutob,
Na sa Dyos ay magbabalik-loob.
Ang isang pusong naligaw ng landas,
Ngayo'y nagbabalik na sa wakas.Hiling ko'y sa pagkakataong ito'y alam mo na,
Ang mga tama't mali upang sa huli'y di magdusa.
Salamat nama'y ang matagal ng laman ng aking mga dasal ay pinakinggan,
Ika'y nandito na't pakiusap ko'y wag na muling lumisan.