Napapasulat na naman ako ng tula,
At ikaw na naman ang paksa.
Ikaw na naman laman ng isip ko sa tuwina.Nabuo ko na naman ang mga salita
Na kailanma'y hindi ko kayang sabihin sa iyo, sinta.Ako'y nangako sa sarili,
Ika'y hindi na susulatang muli.
Ngunit anong magagawa ng pusong sawi,
Na ikaw lamang ang iniibig?Ako'y humihingi ng pasensiya,
Dahil tila nagulo na naman kita.
Ito'y hindi na mauulit pa,
Ika'y malayang malaya na.