Mapanghusgang kayo

20 0 0
                                    

Nakakalungkot, kung sino pa ang mga naglilikod sa Kanya,
Ay ang mga taong hindi nakukuntento't mapanghusga sa kapwa.
Nakakaawa, tila hindi sila masaya,
Sa mga sariling buhay kung kaya't buhay ng iba'y pinakikielaman pa nila.

Kailan nga ba tayo lalaya,
Sa mga isip na mali at kailanma'y di naging tama?
Kailan nga ba tayo totoong magiging masaya,
Ng hindi naninira?

Nakakapagod, tila wala ng bago,
Mapanghusga rin maski kayo.
Tila kailangan na lamang tanggapin ang totoo,
Na hindi nga talaga patas ang mundo.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon