Binibini

131 1 0
                                    

Binibini, gaano ka kasaya sa tuwing natititigan ka niya?
Binibini, kinikilig ka ba tuwing ngumingiti siya?
Binibini, gusto mo ba siya?

Gaano mo siya kagusto?
Kaya mo bang ibigay sa kanya ang mundo?
Kaya mo bang isakripisyo ang lahat para sa lalaking napupusuan mo?

Kung oo, may tanong ako..
Ganun din ba siya sa iyo?
Kaya din ba niyang magsakripisyo?

Binibini, isa kang dilag na dapat pinahahalagahan,
Isang binibining dapat hinahangaan.
Hindi ka dapat binabalewala,
Ikaw dapat ang pinapangarap at pinapanalangin sa mga tala.

Ikaw dapat ang minamahal dahil ikaw mismo ang mundo,
Ikaw dapat ang nakangiti at tinitignan mula sa malayo.
Binibini, tandaan mo ang mga ito.

ps. para kay Thalia to, pangit kasi ng crush nya eh HAHAHAHAHA

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon