Pansamantala

89 0 1
                                    

Akala ko'y iba ka sa kanila,
Akala ko'y ikaw na
Ang magiging paksa sa mga tula.

Akala ko'y ikaw na ang laging magiging laman ng mga dalangin sa gabi't umaga,
Akala ko ikaw ang magiging dahilan ng pagngiti't pagtawa.

Tama nga ako, ikaw nga ang dahilan
Ngunit pansamantala lang pala.

Katulad ng ibang lalaki, nakakapagod ka rin palang ikwento.
Katulad ng ibang lalaki, magiging dahilan ka rin pala ng pagluha ko.
Katulad ng ibang lalaki, magsasawa rin pala ako sa presensiya mo.
Katulad din ng ibang lalaki, hindi mo sinalo ang aking puso.

Katulad ng ibang lalaki, napakahirap mo rin palang ipagmalaki sa mga tropa.
Dahil laging walang sagot sa tanong na "kayo ba?"
Dahil alam kong hanggang kaibigan lang tayo at wala ng iba.
Hindi nga ba talaga pwedeng ipilit, sinta?

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon