Aanhin ko ang mga tula,
Kung hindi naman ikaw ang paksa?
Aanhin ko ang mga tulang isinulat,
Kung hindi naman ikaw ang magbabasa?Aanhin ko ang nadarama,
Kung di mo naman ako makita?
Aanhin ko ang mga gabing nasa isip ka,
Kung sa iba ka na masaya?Aanhin ko ang mga payo,
Kung ikaw talaga ang aking gusto?
Aanhin pa ang mga oras na iginugol sa iyo,
Kung di na ako ang pahinga mo?