Marupok

8 0 0
                                    

Isa, Dalawa, Tatlo.
Heto na naman ako.
Nagiging marupok na naman sa iyo.
Tila hindi natuto ang puso
Noong sinaktan at iniwan mo.

Apat, Lima, Anim.
Hanggag kailan natin
Ipipilit ang ating sarili na alam naman natin
Na tayo ay muli ng tadhana'y paghihiwalayin.

Pito, Walo, Siyam.
Hanggang kailan ipagpipilitan,
Ang pusong gusto ka pang mahalin at sayo ay ayaw pang magpaalam?

At sampo,
Heto na naman ako.
Gumagawa ng tula para sayo,
Nagaalay ng mga salitang hindi mo naman maririnig ni mababasa.

Heto na naman ako,
Nagiging marupok sa iyo.
Ngunit sa pagkakataong ito,
Hindi muling magpapakahulog sa bangin na alam kong walang sasalo.

At sa pagkakataong ito,
Ako'y muling magiging marupok sa iyo.
Ngunit pinapangako sa sariling tatanawin ka na lamang mula sa malayo.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon