Kailan?

1 0 0
                                    

Hanggang kailan ba ako iiyak sayo?
Ilang kanta pa ba ang pakikingan upang ang mga luha'y di na muling tumulo?
Ilang alak pa ang iinumin upang makalimot ang pusong
Kahit ilan ay hindi mo ipinaglaban sa ibang tao?

Ilang tula pa ang susulatin upang mapawi ang lahat ng sakit?
Ilang tinta pa ang uubusin sa pagsulat ng mga hinanakit?
Ilang gabi pa ba sayo ang sasayangin,
Upang ang iyong pwesto sa puso'y matanggal na sa pagkakaukit?

Kailan ba sasaya ng hindi na ikaw ang dahilan?
Kailan ba ngingiti muli ng wala ng sakit na nararamdaman?
Kailan palalayain ang pusong matagal mo nang sinasaktan?
Kailan?

06-12-2023

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon