Sumusulat na naman ng tula sa gitna ng gabi,
Tila itinatanong sa mga tala kung saan nga ba ako nagkamali?
Pasensiya,
Tila kayo'y pagod na sa aking mga kinukuda.Paulit-ulit na lamang akong naglalaro ng mga salita,
Na di ko kayang sabihin at baka ako lamang ay lumuha.
Ngunit kailanma'y di nawala,
Itong bigat sa aking dibdib, pasensiya wala na akong tiwala.Paulit-ulit tinatanong sa sarili kung nagawa ko ba ang lahat ng tama?
Saan ba ako nagkulang, ama?
Ako ba'y totoong walang kwentang anak para sa iyo?
Pasensiya, ito lamang ako.Hindi ko inaasahang susulat muli ako ng tula,
Ngunit ang mas nakakagulat ay ang paksa.
Ama.Tatlong letra ngunit ka'y hirap ipagmalaki.
Para sa isang katulad kong ang lahat lamang ng kanyang nakikita ay ang aking mga pagkakamali.
Hindi inaasahang ang pinaka unang lalaki sa buhay ko ang magiging sanhi,
Ng pagluha ko gabi-gabi.