Heto Na Naman

27 1 0
                                    

Heto na naman ako,
Sumusulat ng tula tungkol sayo.
Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang naialay sa iyo,
Panigurado pagod at umay na ang mga nakakabasa ng mga ito.

Heto na naman ako,
Umaasang maging tayo.
Tapos masasaktan sa dulo,
At tatanungin ang mundo kung bakit hindi nga ba tayo?

Kinilig tapos masasaktan.
Iiyak tapos lalayo at di magpaparamdam.
Ilan lang yan sa mga ginagawa ko na ikaw ang dahilan,
Ngunit kahit kailan ay di mo ito pinansin at pinagtuunan.

Ngayo'y alam ko na,
Tama nga na may nagugustuhan ka nang iba.
Pero baka mali lamang ang aking kutob at hinala,
Baka kayo'y magkaibigan lang rin pala.

Ngunit isa lamang ang alam kong tama,
Yun ay ang ayaw ko na.
Titigil nang umasa na baka tayo pala talaga,
Ika'y malaya nang maging masaya sa piling ng iba.

Tula TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon