Stanza 37: A Dinner Date?

934 27 10
                                    

- Apollo -


Krrrrriiiinnngggg! Krrrrrriiiiiinnnggg!

"Ugh! Ang ingay..."

Krrrrriiiinnngggg! Krrrrrriiiiiinnnggg!

"Ugh! Sino bang tumatawag ng ganito kaaga?"

Krrrrriiiinnngggg! Krrrrrriiiiiinnnggg!

"Oo na! Eto na!" Nakakabuwisit! Sino ba kasing tatawag ng ganito kaaga? Nakakainis! Naputol yung tulog ko!

Padabog kong kinuha ang cellphone ko at saka ko binulyawan ang taong pumutol ng tulog ko.

"HELLO!"

'Hello Apollo. Si Kuya Richard ito. O-Okay ka lang ba?" Waaaaah! Siomai! Nasigawan ko si Kuya!

"O-Okay lang po ako. Pasensya na po kayo kung napalakas yung boses ko. Medyo bagong gising lang po kasi ako." Malambing at halos pabulong ko nang sagot kay Kuya. Pambawi man lang sa paninigaw ko sa kanya.

'Naku pasensya ka na kung naputol ko yung tulog mo. Medyo urgent lang kasi yung sasabihin ko. Medyo may namimilit kasing bata dito sa tabi ko kaya kailangan kitang matawagan kaagad.' Sino yung bata na tinutukoy niya? Si Anna ba yung tinutukoy niyang bata?

"Ano po yun kuya?" Medyo kabado kong tanong sa kanya.

'Yayain ka sana namin dito sa bahay para mag dinner. Para na rin sa pasasalamat namin sa ginawa mong kabutihan para sa batang katabi ko ngayon.' Si Anna nga yung tinutukoy niyang bata. 

'Ang arte mo talaga kahit kailan. Tssss.' Minsan talaga hindi ko alam kung konsensya kita o kontrabida ka. Tsk.

'Apollo? Are you still there?' Natauhan ako ng magsalita ulit si Kuya Richard sa kabilang linya.

"O-Opo. N-Nandito pa po ako. Medyo wala lang po sa sarili kasi medyo... medyo inaantok pa po ako. He-he-he." Nauutal utal kong sagot sa kanya.

'Ah. Kaya pala. Well... Naiintindihan kita ng lubos. Mapilit kasi si Anna na yayain kita para mamayang gabi. Hindi ka niya matext dahil... alam mo na... nahihiya siya sa iyo. Hahaha. Eto nga oh, namumula na siya parang kamatis. Ayiieee!' Parang kinikiliti ang buo kong katawan habang pinapakinggan ko ang pang-aasar ni Kuya Richard kay Anna. Nakakahiya mang aminin pero kinikilig ako sa naririnig kong impormasyon.

'*Uhmp!* Aray! *Uhmp!* Aray! Wag mo akong hampasin lalo kang mahahalatang guilty niyan eh! Hahaha.' Rinig ko ang ingay na ginagawa ni Anna habang hinahampas niya ang kanyang kuya. Lalo tuloy akong napapangiti kapag naiisip kong guilty nga si Anna sa mga pang aasar ng kanyang kuya.

'So... Makakapunta ka ba dito mamaya?' Tanong sa akin ni Kuya.

"Opo. Pupunta po ako." Kaagad ko namang sagot sa tanong niya.

"Siya nga pala Kuya, anong oras po saka formal dinner po ba or casual lang po?" Bigla kong singit na tanong habang may pagkakataon pa akong magtanong.

'It will start at 7pm and just so you know Apollo, Anna would like it to be casual but me and my parents insists that it should be formal since the dinner is for someone who we really like to thank which is you. Sana okay lang iyon sa iyo.' Naku! Hindi pa naman din ako mahilig umattend sa mga ganoon. Tsk.

"Naku wala po iyon. Thank you din po sa pag-imbita sa akin." Sagot ko kay Kuya.

'Naku. Don't thank me. Thank the little girl here. She's the one who suggest this. Besides, we really owe you a lot.' Sabi ni Kuya sa akin na siya ko namang ikinangiting muli.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon