- Vince -
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata habang nararamdaman ko pa rin ang sakit mula sa pagkakahampas ng aking ulo. Hindi rin ako masyadong gumalaw para hindi nila mapansing gising na ang kanilang bihag.
Iniligid ko ang aking mga mata sa loob ng gumagalaw na sasakyan at napansin kong napapaligiran ako ng apat na lalaki.
Sa may harapan ay may dalawang lalaking nakaitim ang nagkukwentuhan. Sa may kanan ko naman ay may isang lalaki rin ang nakikisali sa usapa. Napansin kong may hawak siyang maliit na sub-machine gun sa kanyang kanang kamay.
Sa may kaliwa ko naman ay may isang matangkad na lalaki ang tahimik na nakatingin sa mga lalaking naguusap at mahahalata mong nagmamasid at nakikiramdam siya sa paligid.
Pinakiramdaman ko ang aking mga kamay na nakatali sa likod at saka ko napagtanto na napupuluputan ito ng duct tape at handcuffs.
'Damn! Double lock itong ginawa nila sa akin!'
Nang gumalaw ang isa sa mga katabi ko ay pumikit akong muli para patuloy na magkunwaring tulog.
"Kawawa naman si Borj. Mukhang napuruhan siya nitong si Yakuza hahaha." Isa sa mga lalaki sa harapan ang nagsalita.
"Oo nga. Grabe ang iyak niya kanina hahaha. Gusto ko na ngang matawa kanina eh." Nagmumula sa katabi ko sa kanan ang boses na yun.
"Sinugod tuloy sa hospital ng wala sa oras yung kumag na 'yun." Patuloy na sabi ng katabi ko.
"Kung ako sa inyo ay irereserba ko ang mga tawa na 'yan. Hindi biro ang posisyon ng batang hawak natin ngayon. Baka mamaya na ang mga huling sandali natin sa mundong ito kapag sinugod tayo ng mga tauhan niya." Narinig kong sabi ng katabi ko sa kaliwa. Halata sa tono ng kanyang pananalita kung gaano kaseryoso ang pinasok nilang gulo.
'Dapat talaga kayong matakot! Hindi ninyo alam ang kaya kong gawin sa inyo!' Sabi ko sa sarili.
Biglang nanaig ang katahimikan sa loob ng sasakyan pagkatapos magsalita nung katabi ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpapanggap na tulog.
************************
Beeeeeppp! Beeep! Beeep! Beeeeeeppp!
Nagising ako mula sa ingay ng busina ng sasakyan. Hindi ko pala namalayang nakatulog ako mula sa pagpapanggap ko.
"Oh gising na pala ang ating munting prinsipe." Pangugutya ng lalaking nakaupo sa kanan ko.
Napalingon sa akin yung lalaking nasa tabi ng driver seat samantalang napatingin sa may rear view ang katabi niyang driver. Tumingin lang bahagya sa akin ang lalaking katabi ko sa kaliwa pero ibinalik rin niya kaagad ang kanyang tingin sa harapan ng sasakyan.
Hindi ko sila pinansin at nakatingin lang ako ng diretso habang pinagmamasdan ang paunti unting pagbubukas ng gate na kanilang binubusinahan.
Kaagad na pumasok ang sinasakyan namin sa loob at dito ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang paligid.
Mukhang isang malawak at abandonadong warehouse ang nasa harapan ko dahil sa rin sa mga sira sira at kalawangin nitong mga pader.
Napapaligiran din ang buong lugar ng mga lalaking nakaitim na may hawak hawak na M16 at mga sub machine guns. Ang iba sa kanila ay malapit sa gate at halatang nagbabantay samantalang ang iba naman ay nakakalat sa pagilid ng warehouse at nagmamasid masid sa buong lugar. Pero karamihan sa kanila ay nakatuon ang atensyon sa aming sasakyan na halos pahinto na sa malaking gate ng warehouse.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...