- Apollo -
Maglalakad na sana ako papuntang dining area ng marinig ko ang mga sinabing iyon ni Vince kay Anna kaya napahinto ako at lumingon sa kanila. Hindi ko kasi maiwasang maki-usisa.
Nakatingin lang si Anna kay Vince na halatang gulat na gulat samantalang si Vince naman ay nakangiti ng ubod ng laki.
Kung tutuusin ngayon ko lang nakitang ganyan si Vince simula ng dumating si Anna sa club namin.
Halata naman na gustong gusto niya si Anna.
"Ayyyiiiieee! Bumabanat ka na pala ng ganyan Vince. Saan mo natutunan yan? Hahaha." Kailangan ng ice breaker sa dalawang 'to kasi masyado ng seryoso ang atmosphere sa paligid. Hindi ako sanay.
"Baliw ka talaga Apollo. Panira ka ng moment." Sinapok ni Vince ang ulo ko pero mahina lang naman.
"Aray ko naman!" Ang lakas din nung batok niya ah!
"Tara na nga. Naghihintay na sila sa atin." Biglang siyang tumalikod sa amin at nauna nang maglakad.
"Asus. Nahihiya pa siya." Bulong ko sa sarili ko ng makalayo layo na siya.
Susunod na sana ako nang mapansing nandoon pa rin si Anna sa kinatatayuan niya. Mukhang nagulantang siya sa mga sinabi ni Vince sa kanya.
"Anna? Okay ka lang ba?" Lumapit ako sa kanya at chineck kung okay lang siya.
Tumango na lang siya at tipid na ngumiti.
"Tara na. :)" Sabi ko sa kanya habang nakangiti rin.
Kaya sabay na kaming naglakad papunta sa dining area. Pero habang naglalakad ay napansin kong nakatingin lang siya palagi sa sahig.
Siguro nabother siya sa mga sinabi ni Vince.
Eh sino ba naman kasi ang hindi mabobother sa sinabing iyon ni Vince? Sige nga?
Kasi naman, etong si Vince naman ayaw pang diretsuhin kung gusto ba talaga niya si Anna. Obvious na obvious namang gusto niya si Anna. Buruin mo torpe rin pala 'tong future Yakuza boss eh haha.
"Anna. Uhmm... Wag ka na mabother dun sa sinabi ni Vince. Let's enjoy the day na lang dito sa P.O.D and ano... he-he-he." Pati tuloy ako walang masabi kasi hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin in return sa sinabi ko.
Nang paliko na kami sa may kaliwang pathway para pumunta sa dining area ay bigla naming makasalubong sina Janus, Gino at Elaine.
"Yaaaaahhh.! Anna! Namiss kita!" Mabilis na tumakbo si Elaine papunta sa direksyon namin at biglang niyakap si Anna.
Si Anna naman halatang nagulat sa pagsigaw ni Elaine at napetrify na naman sa kinatatayuan niya. Natatawa na lang ako sa itsura niya kasi halatang di pa rin siya sanay sa kilos at ugali ni Elaine.
Simula nung maging close ni Elaine si Anna ay sobrang love na love na niya ito. Parang gusto ngang iuwi palagi ni Elaine si Anna para gawing kapatid eh. Hahaha.
"Oh nasaan si Vince?" Biglang tanong sa akin ni Janus.
"Akala ko papunta na dito kasi nauna na siya sa amin ni Anna eh." Napakamot ako sa ulo ng malamang hindi nila kasama si Vince.
"Susunod na lang siguro yun sa atin sa dining area. Magugutom din naman yun." Pabirong sabi ni Gino.
"Hmmmm... Baka nagtatago? Hahaha." Feeling ko talaga natorpe yun ng wala sa oras kaya wala dito. Naghahanap ng buwelo para harapin ulit si Anna.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
أدب الهواةThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...