Stanza 39 : Face Off

595 27 31
                                    

- Apollo -


Simula ng dumating itong si Vince ay di na ako nakakain ng maayos. Buti na lang at nasa tabi ko si Anna at kahit papaano ay nakakapag-usap pa rin kami at nawawala sa isip ko na may katabi akong asungot.

"Kamusta ka na Anna?" Napalingon ako kay Vince ng bigla siyang magsalita. Hindi siya tumingin sa akin bagkus ay kay Anna lang. Siyempre, sino ba naman ako para tingnan ng isang 'to?

Napatingin ako kay Anna at nakita kong ngumiti siya nang napaka sweet at saka tumango tango kay Vince. Ako naman... Eto... Selos na selos sa pagiging mabait ni Anna sa kanya.

"Siya nga pala Vince, what brought you here? Do you really want to check Anna's condition or is there something else that you want to do?" Bumaling ang atensyon ko ng magsalita si Kuya. Nagulat ako sa tanong niyang iyon kay Vince dahil sa ibang iba ang tono ng pagtatanong niya. Samahan pa ng masamang tingin na akala mo eh may ginawang malaking kasalanan si Vince sa kanya.

'Alam kaya ni Kuya kung bakit nabaliw yung babaeng yun kaya ganyan na lang siya kumilos kay Vince? Wala namang ibang tao ang nakakaalam nun maliban sa aming tatlo.' Pagtatanto ko sa sarili.

"Richard. What's wrong with you? You shouldn't talk like that to our guest." Mahinahong pagsasaway sa kanya ni Tita Yogie.

Hindi sumagot si Kuya Richard kay Tita pero patuloy pa rin ang masama niyang tingin kay Vince.

"I just really want to see her. I don't mean any harm to Anna." Magalang at malungkot na sagot ni Vince.

'I don't mean any harm daw. Kotongan ko itong isang 'to eh! Siya nga ang dahilan kung bakit naging baliw yung Allison na yun at sinaktan si Anna tapos ang lakas ng loob niyang sabihin 'yan? Naku talaga!' Irita kong sabi sa sarili.

Nagpatuloy na lang ang lahat sa pagkain pagkatapos sumagot nitong si Vince. Binusog ko na lang din ang sarili ko sa masasarap na pagkain na luto ni Tita. Ayokong magsayang ng oras sa pag-iisip ng kung ano anong negative na bagay. Kaibigan ko pa rin si Vince kahit sa tingin ko eh mang aagaw siya ng moment.

'Kelan ko kaya pwedeng...' Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ng di ko sinasadyang mapansin ang isang pink na kahon na inilabas ni Vince mula sa bulsa ng jacket niya.

'Aba! Teka! Anong plano nitong isang 'to? Uunahan mo pa yata ako sa plano ko ah!' Kunot noo kong sabi sa sarili ko habang nakatingin ng masama sa hawak ni Vince.

Nang mapansin ni Vince na nakatingin ako sa hawak niya ay kaagad niya itong ibinalik sa kanyang bulsa at tumingin sa akin. Siyempre, tumingin din ako sa kanya para quits. Anong akala niya, siya lang may kayang makipagtitigan?

Walang emosyon ang tingin na iyon sa akin ni Vince. Samantalang ako... Eto. Halos nakapout na sa sobrang tagal ng titigan portion namin. 

Kailan ba kasi siya titigil sa pagtitig sa akin ng masama? Ang awkward na masyado eh.

Habang nagsspaceout ako ay biglang umiwas ng tingin sa akin si Vince at saka niya itinuloy ang kanyang pagkain. Tiningnan ko pa muna siya sandali at saka ako tumuloy sa pagkain.

'Ano kayang problema ng isang ito?' Maikli ngunit irita kong tanong sa sarili.

************

Pagkatapos ng hapunan ay nagkaroon kaming lahat ng maikling kwentuhan sa may living area. Napagkwentuhan namin ang tungkol sa mga gusto naming marating at gawin sa buhay pagkatapos naming mag aral.

"Gusto ko po sanang magtayo ng isang music school na para sa lahat. Mahirap man o mayaman, lahat ay welcome na welcome sa school na pinapangarap kong itayo." Maikli at nahihiya kong sagot kay Tito ng ako ang una niyang tanungin.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon