- Apollo -
Sa wakas!
Tapos na ang nakakapagod na araw na ito.
Yawn.
ITS TIME TO REST!
Makakauwi na rin sa wakas. Papatawag ko yung therapist namin para makapagpamasahe.
Yaaahh!
Ang sarap magstretching stretching habang naglalakad. Buti na lang wala na masyadong tao dito sa school. Wala na rin yung mga babaeng parang bubuyog kung mag-ingay.
Halos nakauwi na kasi lahat ng tao kaya okay nang maglakad lakad sa paligid ng school.
Habang papunta ako ng parking lot para hintayin si Manong ay may napansin akong babaeng nakaupo sa may waiting area.
Hmmmm... Sino kaya yun?
Lumapit ako para makita ko ng malapitan kung sino 'yun.
"Oh! Ikaw pala yan Anna. Hinihintay mo rin ba yung sundo mo?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo siya. Tumango tango siya bilang sagot sa tanong ko.
"Ako din eh." Napatingin ako bigla sa relo ko. 5:45pm.
Hmmm... Bakit parang ang tagal ata ni Manong ngayon? Matawagan nga.
"Excuse me lang Anna ah. Tawagan ko lang yung driver ko." Nag-nod ulit siya para sabihing okay lang.
Habang kausap ko si Manong ay napansin kong hawak din ni Anna yung cellphone niya. Mukhang kinokontact din niya 'yung susundo sa kanya.
Parang ang hirap din ng sitwasyon niya kasi hindi siya pwedeng tumawag para sabihin kung nasaan na siya or kung ano pa man. Puro text lang.
Eh paano na lang kung may nangyari sa kanya tulad ng maaksidente siya?
Arrgghh! And bad ng naiisip ko! Knock on wood!
Pagkatapos kong kausapin si Manong ay kinamusta ko ulit si Anna kasi ang tahimik niya.
Well. Tahimik talaga siya dahil sa mute nga siya pero hindi ko naman siya kinakaawan dahil sa ganun siya... Ah basta! Pati ako naguguluhan sa tamang words na dapat banggitin. Kinakausap ko na naman tuloy sarili ko.
"Traffic daw ngayon sa dinadaanan ng driver ko kaya malalate siya. Ikaw ba? Nasaan na daw yung driver mo?" Pagkatanong ko nun ay nilabas ni Anna ang kanyang sketch pad at marker saka nagsulat.
'Natraffic din si Kuya eh. Hintayin ko na lang daw siya dito sa may waiting area.'
"Ah kuya mo pala yung nagsusundo sayo?" Ang bait naman ng kuya niya. For sure naman may driver sila pero kapatid pa niya talaga ang magsusundo sa kanya. Mukhang alagang alaga talaga siya ng pamilya niya.
Hmmm.
Ang tahimik na naman ulit.
Hindi ko kaya ang ganito katahimik. Pero syempre hindi ko naman siya masisisi eh kasi di ba...
Arrrgghhhh! Ano ba yan Apollo? Parang kang tanga diyan na kinakausap ang sarili. Wag mo ng ulit ulitin na mute siya. Okay?
Tumingin na lang ulit ako sa relo ko para may magawa naman ako kahit papaano.
Hmmm.
Mga ilang minuto na din pala kaming naghihintay sa mga sundo namin.
Out of nowhere ay bigla akong napatingin sa kanya at napansin kong may sinusulat or dinodrawing siya. Sumilip ako para makita kung ano iyon. May pagkachismoso kasi ako minsan.
BINABASA MO ANG
Do Re Mi: A Melody From the Heart
FanfictionThis is a story of a girl who have all the things in the world a person could wish for except for one thing that she have lost. While living up in a world where something she have lost is not easily understood, she finds happiness and courage with h...