Stanza 34: Behind Those Lines

998 46 30
                                    


"Baka mapahamak tayo sa ginagawa natin! Natatakot na ako!" Nagising si Anna sa ingay na narinig niya mula sa nangangatog na boses ng isang babae. 

"If you're scared, then why are you here?" Masungit na sagot ng isang pamilyar na boses. 

Dahan dahang iniangat ni Anna ang kanyang ulo at binukas sara ang kanyang mga mata para malinaw niyang makita ang mga taong nag-uusap sa kanyang harapan. 

"Oh! The princess is already awake. Kamusta ang tulog mo?" Sabi ng isang babae na hindi pa rin makita ng maliwanag ni Anna. 

'Sino sila?' Tanong niya sa kanyang sarili habang paunti unti nang lumilinaw ang kanyang paningin. 

Nanlaki ang mga mata ni Anna ng makita si Allison sa kanyang harapan kasama ang dalawang babae na hindi pamilyar sa kanya. 

Tatayo na sana si Anna ng bigla niyang maramdamang hindi siya makagalaw. 

'B-Bakit ako nakatali? Anong nangyayari?' Tanong ni Anna sa kanyang sarili habang sinusubukang kumawala sa pagkakatali sa kanya sa isang upuan. 

"Huwag ka nang mag-effort na umalis sa pagkakatali dahil sinisigurado kong hindi ka makakawala diyan!" Sigaw ni Allison habang papalapit sa silyang kinatatalian niya. 

"At... Ito ang ganti ko sa ginawa ng kaibigan mong si Vince sa pamilya ko!"

PAK!

Sinampal ng malakas ni Allison si Anna dahilan para ma-out of balance siya at matumba kasabay ng kanyang upuan. 

"ALLISON!" Sigaw ng dalawang babae na nasa likod niya. 

"DON'T YOU DARE STOP ME! KUNG HINDI DAHIL SA PIPI NA IYAN AY HINDI MASISIRA ANG BUHAY KO AT NG PAMILYA KO!" Humarap siya sa dalawa niyang kasamahan sabay saway sa mga ito habang dinuduro duro si Anna.

Hindi mapigilan ni Anna ang pagtangis habang nakahiga pa rin siya sa sahig at iniinda ang sakit ng pagkakatumba at sampal na inabot niya kay Allison. 

"Allison, a-ayoko na. Mag-ququit na ako!" Sigaw ng isa sa mga babae kay Allison sabay takbo palabas. 

"DUWAG! BWISIT! ARGGGHHH!" Sigaw ni Allison habang pabalik balik sa paglalakad dahil sa sobrang inis. 

Bigla siyang huminto sa paglalakad at dali daling pinuntahan si Anna na umiiyak pa rin habang nakasalampak sa sahig. 

"Tingnan mo ang ginawa mong pipi ka! Naaawa siya sa'yo kaya iniwan niya kami! KASALANAN MO ITO! PESTENG KA TALAGANG PIPI KA!" Piniga piga niya ang mukha ni Anna habang patuloy pa rin ito sa pagluha. 

"OH ANO? HANGGANG IYAN LANG BA ANG KAYA MO HA? UMIYAK NG TAHIMIK?" Patuloy pa rin niyang sinisigawan ang kaawa awang si Anna habang sinasampal sampal ito ng mahina sa kanang pisngi. 

"SIGE! Palalabasin natin yang boses mo! Tingnan lang natin kung hindi ka sumigaw at magsalita sa sobrang sakit!" Bigla niyang hinablot ang buhok ni Anna at hinatak ito para mapatayo ang silyang kinatatalian niya. 

'AAAAAAAAAHHHHH! TAAAAMMMMAAA NAAAAAA!' Magkahalo ang sigaw ng pagmamakaawa at luha na iyon ni Anna habang patuloy pa rin si Allison sa paghatak ng kanyang buhok. 

Awang awa na ang natitirang kasamang babae ni Allison sa nasasaksihan niyang pananakit nito sa kaawa awang si Anna na walang labang lumuluha habang hatak hatak pa rin ni Allison ang buhok nito. 

"You're so evil Allison! I can't take this anymore!" Sigaw ng babae kay Allison sabay takbo palabas ng kwartong pinagtataguan nila. 

"SIGE! LUMAYAS KA! MGA WALANG SILBI! MGA DUWAG! FUCK!" Sigaw nito habang patuloy pa rin sa paghatak sa buhok ni Anna. 

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon