Stanza 9.2: The Special Girl

2.1K 185 60
                                    


- Anna –


"It looks like you've already gained some friends on your first day in school. Am I right?" Nakangiting tanong ni Kuya habang papalabas kami ng school gate.

'Yes Kuya! I've enjoyed my first day. I hope it'll continue at the end of school year.' Sagot ko sa tanong niya sa akin.

"That's great! Natutuwa akong nakangiti na ang little sister ko. Boyfriend mo ba yung guy kanina? Ayyyiiieee." Ha? Saan naman nanggaling yung idea na yun ni Kuya?

Sinusuntok suntok ko ng mahina si kuya sa braso para malamang hindi totoo yung iniisip niya.

"Ayyiiee! Bakit ka nagbablush diyan? Boyfriend means boy-lalaki friend-kaibigan. So meaning lalaking kaibigan mo siya haha." Tawa lang ng tawa si kuya. Alam niya kasing asar talo ako sa lahat ng mga pangaasar niya sa akin.

Hindi na lang ako umimik kasi tama naman ang sinabi ni kuya. Kaibigang lalaki ko si Apollo. Nag-assume lang ako na iba ang meaning nung sinabi niya.

After 30 minutes of travel, nakarating na kami sa bahay pero wala pa ang sasakyan nila Mama at Papa.

Mukhang malalate na naman sila ng uwi.

Hmmm... I'll make desserts for them para pagkauwi nila eh makakpagrelax sila kahit papaano.

'Kuya, help me bake some cupcakes for Mama and Papa. I think they'll gonna be late tonight.' Kinalabit ko si Kuya saka ko ipinakita ang mungkahi ko sa sketch pad.

"Sure. Pero let's make it after we have our dinner, okay?" Tumango ako sa sinabing iyon ni kuya.

Tinupad naman ni Kuya yung promise niyang tulungan ako sa pagbabake. We make at least 9 pieces of cupcakes and we leave a note on the fridge saying, 'We love you Mama and Papa. Here's a box of cupcake we made for both of you. - from Rich and Anna with love <3'

After that, I went upstairs para makapagpahinga na. I feel tired and sleepy as well.

Its been a long and tiring day for me but its also a happy one all in all.

Never ko pang naexperience ang ganitong saya from my previous schools.

Humiga na ako at tumingin sa ceiling. Ipinikit ko ang mga mata ko and I reminisce what had happened this day.

Hmmmmm... I'm in a new school, I've introduced myself again in a very different way, I've met new friends.

Elaine the sophisticated chic, Alex and Alexa the twin artists, Gino the jolly joker, Janus the handsome athlete, Apollo the singer, and Vince.... The mysterious one.

What else happened today?

'Yeah, I've became part of their club'.

No!

'I've become a member of a VERY SPECIAL club.'

As I open my eyes, I can't help but put a smile on my face because I know deep inside that I have never been this happy ever since I started schooling.

Its as if the very first time that I have ever interacted with other people. Socialize with them, laugh with them, and feel comfortable listening to their stories.

It sounds cheesy but its really what I am feeling right now.

I am so happy.

Knock. Knock.

Napahinto ako ng marinig kong may kumatok sa pinto.

"Ako 'to." Sabi ni Kuya saka siya pumasok sa kwarto at mupo sa may silya na nasa tapat ng kama ko.

"Naiistorbo ba kita?" Tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at umiling-iling.

"Mabuti naman. Nga pala, tinawagan ko na sila Mama at Papa. Late na raw sila makakauwi kaya magpahiga na daw tayo. Pero nasabi ko na rin na pinagbake natin sila at natuwa naman sila doon." Nakangiting kwento sa akin ni Kuya.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon sa mga ikinukwento niya sa akin.

"Anong tinitingnan mo sa kisame? Naghihintay ka ba ng kung ano diyan ha?" Natawa ako ng bahagya sa sinabing iyon ni Kuya sabay tingin naman niya sa kisame para tingnan kung ano nga bang tinitingnan ko sa doon.

"Aba! Tinatawanan mo lang ako ah." Tumayo siya sa kinauupuan niya at dahan dahang lumapit sa akin.

'Yari! Alam ko na balak ni Kuya.' Sabi ko sa sarili saka ako tumayo mula sa pagkakahiga. Marahan akong lumayo sa aking kama papunta sa pintuan para makatakbo ako papalayo.

"Yari kaaaaaa!" At tama nga ang hinala ko. Hahabulin niya ako at kikilitiin ng walang humpay. Halos lahat yata ng parte ng katawa ko ay may kiliti kaya hindi ako pwedeng mahuli ni Kuya.

'Waaaaaaaaaaahhh!' Sigaw ko sa loob loob ko habang tumatakbo pababa ng bahay.

"Mabilis ka na tumakbo ha." Rinig kong sabi ni Kuya habang mabilis akong tumatakbo papunta sa garden namin.

'Hinihingal na ako... pero hindi ako pwedeng magpahuli.'

"Huli ka!" Nagulat ako ng makasalubong ko si Kuya at kaagad niya akong nahuli.

'Waaaaahhh!' Sigaw ko sa loob loob ko habang nagpupumiglas ako sa pangingiliting ginagawa niya sa akin.

"Hahaha. Sabi sa'yo mahuhuli kita!" Pagmamalaki ni Kuya habang patuloy niya akong kinikiliti sa batok at tagiliran.

'Ayoko na. Hahaha. Tama na Kuya. Hahaha.' Nagtap-out ako sa lupa para malaman niyang suko na ako sa pangingiliti niya.

"I win. Hahaha." Pagmamalaki niya habang patuloy ako sa paghabol ng aking hininga.

Naisip ko bigla na kaya siya nangungulit ng ganito ay dahil wala sila Mama at Papa. Kung nandito sila, siguradong pagagalitan siya dahil sa masyado na daw siyang matanda para mangulit ng ganito. Pero kung ako ang tatanungin, I don't mind. He's always working hard lately while still looking after me. I know that nasstress din siya sa trabaho at isa lang ito sa mga paraan niya para mawala ang stress niya.

"Tara na at matulog. Baka maabutan pa tayo nila Mama dito. Siguradong mapapagalitan na naman nila ako kapag nakita nilang naghahabulan na naman tayo hahaha." Nag-unat ng kamay at likod si Kuya saka kami naglakad pabalik ng bahay.

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin kay Kuya. Kahit malaki ang agwat ng edad namin, gumagawa siya ng paraan para maging close kami kahit pa magmukha siyang isip bata sa ginagawa niyang iyon.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Kuya nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

Umiling iling lang ako saka ko tumingin sa nilalakaran ko.

I certainly am a lucky girl. Despite being a mute, I have a loving family who never let me feel alone and down. I am very blessed that's why I am looking forward in recovering.

I should stay happy and kind.

I should.

++++++++++++++++++++++

*Re-published and edited on March 7, 2017
Originally published: Ma4 104

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon