Stanza 23: Smile

1.4K 96 67
                                    

- Anna -

Bumungad sa amin ang napakalaking ngiti ni Apollo habang naglalakad papunta sa direksyon namin. Mukhang may nangyaring maganda sa kanya bago pumunta dito.

 "Oh bakit ikaw lang? Nasaan si Vince?" Tanong ni Elaine sa kanya.

"May biglaang appointment daw siya kaya ibinaba na lang niya ako sa tapat ng gate. Hehe." Malaki pa rin ang mga ngiti ni Apollo habang sinasagot ang tanong ni Elaine. Ano kayang meron at ganyan siya kasaya?

"Eh bakit parang masaya ka pang wala si Vince?" Tanong muli ni Elaine.

"H-Ha? H-Hindi naman ah." Halata sa boses ni Apollo ang pagpapanic sa tanong ni Elaine. Bakit kaya?

Kaagad siyang umupo sa tabi nina Gino at Janus na animo'y natataranta. Kaya nagsulat ako sa aking sketch pad at ipinakita ito sa kanya.

'Ok ka lang ba Apollo?' With matching serious face para alam niyang nag-aalala ako sa kanya.

"Yup. Super okay lang ako Anna." Sabay ngiti niya ng pagkalaki laki na halos makita ko na ang kanyang gilagid.

"Ikaw ba Anna? Ok ka na ba? Wala na bang masakit sa iyo? Makakapasok ka na ba ulit?" Sunod sunod niyang tanong sa akin na may halong concern sa kanyang mukha.

Tumango tango ako sa kanya habang nakangiti din para masiguro ko sa kanya na okay na okay na ako. Nakakatuwa kasing malaman na nag-aalala din siya sa kalagayan ko.

"Whew. Buti naman." Nagblush ba siya? Hindi naman siguro. Baka imagination ko lang iyon? Bigla kasing nawala yung pagkapula ng mga pisngi niya.

'Ang cute din pala ni Apollo kapag nakangiti siya ng ganoon.' Biglang sumagi sa isip ko ang bagay na iyon ng dahil sa patuloy na pag-ngiti sa akin ni Apollo.

"I smell something cheesy here." Halata ang pang-aasar sa tono ng pagkakasabi na iyon ni Alexa pero bigla siyang tumahimik ng siniko siya ng kanyang ate.

'Sino kaya yung inaasar ni Alexa? Hmmmm.' Wika ko sa sarili. 

"Since kumpleto na tayo, ano nang susunod nating gagawin?" Tanong ni Gino habang kumukuha ng snack sa lamesa.

 "Hmmm... Magvideoke kaya tayo?" Suggestion ni Apollo habang kumukuha naman ng inumin.

"OMG! Why not! Namimiss ko na din mag-videoke!" Excited na sagot ni Elaine habang nagniningning ang kanyang mga mata.

"Oh, ayos ba sa inyong lahat iyon?" Tanong ni Gino sa aming lahat. 

"Yes!" "Oo naman!" Sabay sabay nilang sagot samantalang nag-nod ako habang nakangiti sa kanya. 

"Alright! Let's get it on!" Excited na sigaw ni Gino sabay tayo mula sa kanyang kinauupuan.

Matapos ang konti pang kwentuhan ay saka ako nagpaalam kina Mama at Papa kung okay lang na mag-videoke kami dito sa bahay. They are both happy and excited nang malaman iyon. Gawin lang daw namin lahat ng gusto namin dahil tiwala silang hindi kami gagawa ng kalokohan.

Inayos namin ang entertainment room para maging comfortable kaming lahat. Nagprepare kaming mga girls ng mga makakain at maiinom (puro juice and lemon water lang since bawal ang liquor sa bahay namin) samantalang ang mga boys ang nag-aayos ng sound system sa taas.

"Hello mic test... Check mic test... Yooohooo... Wa-ha-ha-ha." Napangiti ako ng marinig kong nagsasalita ng kung ano ano si Apollo sa microphone habang tinetest iyon.

 'Ang kulit niya talaga.' Nakangiti kong sabi sa sarili. 

Medyo excited din akong marinig siyang kumanta dahil alam kong maganda ang boses niya. Naalala ko nung magkasama kami sa parking lot at hinuhum ang bawat notes ng kinocompose ko. 

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon