Stanza 6: Oath

2.5K 229 99
                                    


- Apollo -


"Ikaw?" Nagulat ako ng makita ko ang pamilyar na mukhang iyon.

Bakit nandito si Miss Terry? Anong ginagawa niya dito?

"Mukhang nakilala mo na si Anna ah?" Tanong ni Gino.

Anna pala ang pangalan niya.

"Oo naman. Siya yung bumunggo sa akin sa may rooftop. Bigla kasi siyang tumakbo nung pinuna ko yung ginagawa niya doon." Pagkukwento ko sa lahat.

Napatingin silang lahat dun kay Miss Tery este Anna pala.

"Anong ginagawa mo doon sa rooftop Anna?" Tanong ni Alexa sa kanya.

Napayuko siya bigla na animo'y nahihiyang humarap sa aming lahat.

Hindi pa rin umiimik yung Anna kaya ako na lang ang sumagot sa tanong ni Alex.

"Naghuhum kasi siya kanina sa rooftop. Tapos sabi ko bakit hindi na lang siya kumanta. Nagulat siya nung narinig ako kaya bigla siyang tumakbo at nabunggo niya ako. Kaya ayun." Napapakamot na lang ako sa ulo habang nagkukwento sa kanila.

Teka... Bakit mukhang malungkot yung Anna? May nagawa ba akong masama sa kanya? Hala!

Bigla niyang kinuha ang nalalaglag na sketch pad at marker at sabay nagsulat.

'Sorry kung nagsinungaling ako sa inyo kanina Gino, Alex, Alexa at Elaine. Sorry talaga. ' Iyon ang nakasulat sa pad.

Teka... Bakit ganun siya?

"Ok lang yun Anna. Wag ka ng malungkot okay? Hindi kami galit sayo. Promise!" Bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Elaine at ngumiti. Kaso bigla din syang napangiwi na parang bang may mali.

"Bakit Anna?" Napansin din ni Elaine ang pagbabago sa expression ng mukha ni Anna.

Inangat niya ang kanyang braso at dun ay may mga gasgas kang makikita. Natatakpan ito ng kanyang mga manggas kaya sa una ay hindi mo ito mapapansin.

Teka. Teka. Teka. Nakuha niya ba yan kanina nun nagkabungguan kami? Naku naman po! Mukhang ako ang may kasalanan niyan. Naman oh!

'Ok lang ako. Minor scratches lang ito. Malayo sa bituka.' Ipinakita niya sa amin yung sinulat niya.

Napakasweet ng mga ngiti niya habang pinapabasa sa amin iyon. Mukhang gusto niya talagang siguraduhin sa amin na ok lang talaga siya.

"Gamutin pa rin natin 'yan baka mag-alala ang kuya mo kapag nakitang may gasgas ka sa unang araw mo dito." Sabi ni Vince sa kanya.

Umandar na naman ang pagiging weirdo nitong si Vince. Akala mo close na sila ni Anna. Paano na naman niya nalaman na may kuya itong si Anna? Baka nagresearch na naman 'yang si Vince plus concern lang din siya kay Anna. Oh well.

"Baka gusto mo akong samahan Apollo? If I remember, may kasalanan ka din kung bakit siya nagasgasan?" Pagsusungit ni Vince.

"Grabe ka naman Vince. Wala naman akong kasalanan eh." Pagdepensa ko sa sarili ko.

Well, alam ko naman kasalanan ko kung bakit siya nabigla eh, kaso ayoko kasi makakita ng dugo o sugat kahit athlete ako.

"Bahala ka na nga diyan. Ang tagal mong sumagot." At ayun, pumunta na sila doon sa clinic ng glass house. Inaalalayan niya si Anna na animoy isa siyang napakafragile na tao.

"Sasama ako Kuya Vince." Pahabol na sabi ni Elaine.

"Wag na. Ako ng bahala dito. Mga 10 minutes lang, tapos ko na siyang gamutin." At tumuloy na silang maglakad papunta doon sa mini clinic.

Do Re Mi: A Melody From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon